Saturday, May 1, 2010

ALDO my love

nakakatawa. wala akong magawa sa office kanina kaya nagcheck lang ako ng SALE items sa ALDO online store. e na-inlove ako kay ALDO (este sa cornejo watch pala) de sa sobrang pagkaadik ko kay ALDO, imbes na shoes lang, napabili ako ng watch at bag. hindi lang yun. ang balak ko talaga papabili ako sa auntie ko sa LA para walang gastos. but no! dahil si ALDO nga siya, hindi ako nakapagpigil. bumigay ako sa tawag ng makamundong pagnanasa..hahahahahaha ayon, tumawag ako sa ALDO Mega Mall branch. e wala ng stocks. de sad. pero ginawa ko, tumawag ako sa Shangri-La branch. Nung nalaman kong may stocks pa sila, walang dalawang isip, kinuha ko ang id pass, cellphone at wallet ko. patakbong lumabas ng office. nagmamadaling tumawid sa Shaw Blvd. at dahil hindi ako makapaghintay, nag taxi na ako kahit na alam kong mapapagastos ako ng malaki sa taxi dahil traffic. e naisip ko, 'cant wait for you to be mine ALDO', de go. taxi. (btw, pwedeng i-jeep lang ang papunta sa shang from our office, pero hindi, nagtaxi pa rin ako..hahaha) pagbaba sa may shang, direcho ako agad sa 3rd floor, ayun buy na.

eto masaklap dun, hindi lang watch ang nabili ko, pati bag. OA. hindi pa sale ung nabili ko. sinong shopaholic ngayon?hahaha *present* de ayun, pagbalik kong office, tastas ang bulsa ko. ay hindi, gasgas lang ang credit card dahil kinaskas ko na naman, tumataginting na Php 5,000 para sa isang relo at isang maliit na bag. OK lang, anything for ALDO my love.

No comments:

Post a Comment