Saturday, April 24, 2010

naglulumanding Scorpio

Prepare yourself for romance -- serious romance -- because it's right around the corner. You've been waiting for it to happen, maybe even lying awake at night, and it seems that the universe has finally decided to answer your plea. If you don't already have a prospect in mind, you'd better get dressed -- the sassier, the better -- and get out there.

Eto ang sabi ng horoscope ko. Oo, nagbabasa ako ng horoscope. Pero hindi naman ako 100% naniniwala, mga 20% lang..hahahaha nagbabasa lang naman ako kasi pra maaliw. Pampalipas oras ba. Para kahit ilang Segundo lang e matawa o mamangha naman ako. Kasi naman, nakakaliw talaga ang Yahoo! Daily horoscope. Pati na rin ang Chinese horoscope at Anita Predictions sa FB. Aliw talaga lalo na kapag feeling ko tumatama sila. Pero siyempre hindi naman talaga sila tumatama, nagkakataon lang na may pagkakapareho sa sinasabi nila at sa naiisip o nararamdaman ko. Pero ngayon, kakaiba. Natawa ko ng malakas pero 120% akong hindi naniwala. Bakit? Well, una sa lahat, wala akong jowa na roromansahin ngayong araw na to (asa naman akong sa ibang araw meron. Wala talaga. Sabi naman kasi sa inyo, ang aking love life ay parang coke, ZERO. toinks!) isa pa, sablay talaga kasi sabi nya magbihis ako ng maayos, e heller! Kaninang umaga ko lang to nabasa nandito na ko sa office. Alangan namang pumunta pa ko ng shang at mamili ng damit (as if hindi ko ginagawa dati yun pag hindi ko talaga trip ang suot ko for the day)? Well, pwede naman kaya lang nasunog pala ung mall kagabi, mga 1030pm daw kaya di ko alam kung nagbukas ba sila ngayon.

Hay. Isa lang ang masasabi ko, sa lahat ata ng sinabi ng horoscope ko, ngayon lang sila hindi tumugma. Ay, partly true naman ito kung counted ang pakikipag flirt ko sa kaibigan ko sa ibang bansa. BUT NO! malaking joke lang kasi yung usapan naming kanina 9actually kahapon pa kami naglalandian) wala lang, trip lang namin kasi birthday nya e wala syang girlet ngayon, at ako naman e ‘single and ready to mingle’ e de pinagbigyan ko na ang paglulumandi nya.hahahaha pero dahil tapos na ang birthday nya, tapos na rin ang lahat, balik friend mode na ulit kami. (gusto ko bang hindi na lang friend mode? Ewan. Hahahaha anlandi!) *bow*

No comments:

Post a Comment