ano nga ba ang taNga-hanga? simple, ito ay ang taong humahanga sa akin (pwede rin sa'yong) 'kagandahan'.. hahaha bawat tao'y may taglay na kagandahan, kaya naman hindi ko na itatanggi pa, maganda ako. nasa sa inyo na lang iyon, mga tumitingin kung nagagandahan din kayo sa akin. basta ang sabi sa akin ng tatay ko, maganda ako (hindi ko lang alam kung maganda ako physically o kagandahang-loob pala ang tinutukoy ng ama ko). Queber, basta maganda ako [PERIOD, no erase!].
hindi kagaya ni daddy, ung nanay ko mejo realistic. ang lagi nyang sinasabi sa akin, hindi ka kagandahan, oo, cguro maganda ka kahit papano, pero hindi stunningly beautiful. (dahil dito, hindi ko alam kung ampon ba ko o anak sa labas ng tatay ko kasi parang hindi ako tanggap ng nanay ko na anak nya kung maka-comment e..joke lang! magkamukha talaga kami ng nanay ko kaya nga hirit ko sa kanya, kung hindi ako maganda, mas pangit ka! sabay tawa!hahahahaha) e dahil nga hindi naman daw ako kagandahan sabi ni mommy, ang tawag nya sa mga taong (yehes, MGA, plural, marami rami na rin kasi sila. :p) may 'crush' sa akin ay TANGA-hanga. e kasi, kung hindi ba naman daw tanga (o kaya naman bulag) ung mga yon, bakit daw sila magkakagusto sa akin. my point naman sya, hindi ko rin alam kung bakit nila ako nagugustuhan. feeling ko, katawan ko lang ang habol nila sa akin! feelingera talaga ako! as if kakatawan ko si cristine reyes e no? more like ruby rodriguez naman tlga, feelingera ako! *present*
Anyway, ayun, kwento. meron akong isang kakilala (actually, hindi kami talaga magkakilala kasi never naman kami na-introduce sa isa't isa – alam ko lang ang pangalan nya at alam lang nya ang pangalan ko dhil naririnig kapag tinatawag kami ng kung sinu-sino). Hindi ko alam kung ambisyosa lang ba talaga ako o tlgang may gusto sya sa akin. Anlabo naman kasi e.. panay nakangiti sa akin (malay ko ba kung ngiwi pala talga siya). tapos tuwing matitingin ako, nakatingin sya saken (ay, nabisto ako. oo, tinitignan ko rin kasi talaga sya. may itsura e. mukang tae. este, tao pala.) ilang beses na kaming nagkakahiyaan (well, yun e kung maituturing pa akong taong may hiya..hahaha) kasi ba naman lagi as in LAGI kaming nagkikita sa labas ng cr or sa elevator. (sabay ba kaming umiinom ng kape o tubig kaya sabay din kaming naiihi? Or sabay ba naming gusting kumuha ng kape sa pantry kaya nagkakasabay o nagkakasalubong o nagkikita sa may elevator?) hay nako. Tama na nga. Ang feelingera ko talaga. (term ba talaga ang feelingera at ilang beses ko na syang ginamit dito? Kung hindi pa, pews ngayon term na sya at AKO ANG nagpaSIMULA.) o sya, kung may gusto man talaga sya sa akin o wala, dahil feelingera nga ako, ibibilang ko syang isa sa aking mga TANGA-hanga!! *bow*
Thursday, April 22, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment