Ano ang ginagawa mo kapag wala kang ginagawa?
Malamang maraming naguluhan sa tanong ko. May ibang natawa at may ilan ding nainis. Kung anuman ang ngaing reaction nyo, maaari nyong ipaalam sa akin sa pamamagitan ng pagko-comment. Kung ayaw nyo namang ipaalam, ayos lang din, kimkimin nyo na lang ngunit huwag magtaka kung biglang bumaho ang paligid sa sandaling sumabog na ang inyong kinikimkim na saloobin..hahaha
Eto na. simple lang ang ginagawa kosa tuwing wala akong ginagawa. Maliban sa paghinga, [na hindi naman na natin talaga iniisip na gawin dahil kusa na itong ginagawa ng ating mga baga – isipin nyo na lang kung gaaano ka-hassle naman yun kung pati ang paghinga e sasadyain pa nating gawin – hay, hassle nga!] kung nagkataon namang nasa opisina ako gaya ngayon, ang aking ginagawa ay ang walang kasawaang pagbasa at pag-comment sa tweets at updates ng aking mga kaibigan at hinahangaang mga bituin. O di ba? bongga! Up-to-date yata ito sa mga tsismis!! [‘wag mag-deny, tsismoso/tsismosa ka rin dahil likas naman sa tao ang pagiging interesado sa mga kaganapan sa buhay ng kanyang kapwa..hahaha]
Kapag wala ng bagong tweet or status update sa halip na tumanga sa kawalan, sinusubukan kong gumawa ng makabuluhang blog entries pero sa awa ng Diyos, puro ganitong klase ang natatapos ko. Puro kalokohan. Puro kababawan. Mga walang masyadong katuturang bagay at topic (on second thought, baka kahit papano’y may silbi naman ang mga ito dahil kung wala, malamang hindi mo naman ito babasahin di ba? Pero kung sa palagay mo, wala talagang kwenta ang entry na ito at nagsayang lang ako ng oras sa paggawa nito, tatawanan kita at sasabihin kong, “nagsayang ka rin ng oras dahil binasa mo rin ‘to. Hahahaha tapos, kthanksbye.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment